Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Mukhang nanahimik na si Ellen Adarna sa isyu ng “paparazzi” sa isang minor na inakusahan nito ng pangunguha umano sa kanya ng litrato at video habang nasa isang ramen restaurant sa Makati.

Matapos mag-trending ng isyu, pumalag ang ina ng 17-anyos na netizen na si Myra Santos at nanghihingi ng public apology kay Ellen kung hindi ay kakasuhan nila ang aktres.

Pero hindi natinag si Ellen dahil imbes paghingi ng apology ay isang clip ng pagpapa-pedicure niya ang kanyang ipinoste sa Instagram.

Magugunitang umani ng pagtuligsa si Ellen mula sa netizens matapos nitong patulan at pahabain pa ang isyu sa isang menor de edad na babae. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..