Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Hiniling ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa mga kandidato na huwag gamitin ang kantang “Hayaan Mo Sila” sa mga kampanya ng mga ito.

Si Ai Ai ay talent manager ng Ex Battalion na siyang kumanta ng “Hayaan Mo Sila”.

Sa Instagram nag-post si Ai Ai ng larawan kung saan nakasulat ang hiling nito sa local candidates na ginamit o gagamitin pa lang ang naturang sikat na kanta.

“We request, in the spirit of integrity and fair play, the concerned individuals to cease and resist from such unauthorized use of the song and its melody. Please be advised that the group reserves its right to avail of the remedies under relevant laws afforded it. Thank you,” sabi rito.

Nagbigay naman si Ai Ai ng contact number sa mga gustong gumamit ng kanta ng grupo.

“Para po sa lahat ng kumakandidato .. may kagawad sa qc at meron pang sa makati at sa lahat ng mga gumagamit ng kanta .. kung gusto n’yong gamitin ang kanta mag-text lamang sa (0917) 750 0291 maraming salamat po.” (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..