Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Inamin ni Paolo Ballesteros na hindi sinasadyang nagkita sila ni Piolo Pascual sa isang salon kamakailan.

Aniya, nakita niya si Piolo habang nagpapakulay siya ng buhok sa naturang salon.

Malayo umano ang pagitan ng kanilang kinauupuan ng Kapamilya actor.

Paalis pa lang umano si Piolo ay kakadating lang niya.

Noong una ay nahihiya umano siyang i-approach si Piolo dahil mag-isa lang ito noon sa kinauupuan at baka hindi naman siya kilala nito.

Pero nu’ng naglakas-loob siyang batiin ito ay sinabihan siyang, “O bro kumusta naman?”

Siyempre kinilig umano siya dahil artista ito.

Nu’ng nagsa-shampoo na umano siya ay paalis na si Piolo kaya hindi na niya ito nilingon at tinignan dahil kitang-kita siya kung sakali kaya dedma na umano siya. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..