Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Sinalubong na naman ng mag-dyowang Troy Montero at Aubrey Miles ang summer nang nakahubad.

Nagbakasyon nga sa isla ng Coron, Palawan ang hot couple.

Kapwa ipinoste nina Troy at Aubrey sa kani-kaniya nilang Instagram accounts ang naturang mga hubad nilang larawan.

Walang masama dahil silang dalawa lang ang nasa resort, kung saan makikita si Troy na nakadapa sa buhangin kita ang nakaalsa niyang puwet habang katabi si Aubrey na nakahubad din, kita ang kanyang likod, puwet at pisngi ng dibdib.

“It’s more fun in the Philippines,” sabi sa caption ni Aubrey sa larawan naman kung saan nakatayo siya habang kita ang kabuuan ng nakahubad niyang katawan sa batuhan sa isla.

Hindi ito ang unang beses na nagpaka-Eba at Adan ang dalawa, umingay na rin ang ginawa nilang paghuhubad habang nakabakasyon sa The Farm sa San Benito, Batangas. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..