Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Nasilayan muli ang ganda ni Kristine Hermosa sa pagbabalik-telebisyon nito sa “Bagani”kung saan gumaganap siya bilang si Malaya, pero ang inaabangan ng madla ay ang pagsasama sa screen nina Kristine at Liza Soberano.

Kagabi nga ay dumating na ang pinakahihintay ng fans, nagharap na sina Kristine at Liza. Sa eksena, nag-alok ng tulong si Kristine (Malaya) kay Liza (Ganda) matapos niyang sagipin ang huli sa kambal na sina Toto at Tata (Fourth at Fifth Solomon), na tinawag ang kanilang sarili na Kambal Kurimaw.

Makikita ngang hindi nagpatalbog sa kagandahan ang 34-anyos na si Kristine laban sa 20-anyos na si Liza.

Nag-trending nga ito sa social media at may nagsabi pang hindi basta masasapawan ang ganda ni Kristine kahit si Liza pa ang kaharap, na nag-No. 1 noon sa listahan ng “The 100 Most Beautiful Faces” ng TC Candler.

(yrrej vhalle): Nagharap na ang dalawang pinakamagandang mukha sa abs cbn…iba pa rin pla tlga c kristine hermosa nd masasapawan kahit c liza soberano pa ang kaharap niya.

(amihan sol): Maganda si liza pero mas maganda pa rin c christine hermosa….. bagay sila magsama.

(JM CG): Bakit ganun, maganda si Liza, pero kapag tumabi siya kay Kristine…iba pa rin talaga si Kristine Hermosa, parang Dyosang bumaba sa lupa. Para akong nagkumpara ng tao sa anghel. (Maria Jaime)  

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..