Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Makatindig-balahibo ang pag-apir ni Ryza Cenon sa dance floor ng ASAP noong Linggo.

Nakipagsabayan nga at hindi nagpatalbog sa galing sa pagsayaw si Ryza kina Maja Salvador at Kim Chiu.

Matatandaang nag-trending si Ryza matapos nitong lumipat sa bakuran ng Kapamilya Network.

Sa naging contract signing nga niya, sinabi nitong ang unang proyekto nito sa ABS-CBN ay ang “Ang Probinsyano”.

Si Cenon ay produkto ng second season ng GMA talent search na “Starstruck”.

Naging matunog ang pangalan ng aktres nang gampanan niya ang karakter na si Georgia Ferrer sa Kapuso TV drama series na “Ika-6 na Utos”. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..