Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Binakbakan ng “Queen of All Media” na si Kris Aquino ang kaibigan at dating co-host nitong si Korina Sanchez matapos kapanayamin huli sa kanyang programa ang dati niyang asawang si James Yap.

“I have really had enough. Simple lang – minsan lang akong pinakiusapan ng kapatid ko – never para sa sarili niya pero para sa kandidatong inendorso niya. Dahil mahal ko siya, ginawa ko. Lahat ng batikos ng dahil sa pagtulong na ‘yon tinanggap ko… Tatlong beses akong nagpunta sa Davao – sa kampanya nung 2010, kampanya [nung] 2013 para kay [Senator Francis Escudero and Senator Grace Poe], at nung nag Kris TV. Si PRRD (President Rodrigo Roa Duterte), lahat nung pagkakataon na nagkaharap kami, mabuti ang pinakita sa ‘kin,” pahayag ni Kris sa kanyang post Facebook account na may kasama pang litrato ni Duterte.

Ayon kay Aquino, sampal umano sa kanyang mukha ang pagpapalabas ng interview ni Korina sa basketball star na si Yap.

“Sampal sa mukha ko ang inilabas na feature ngayong gabi nung misis ni Mar Roxas. Yes, pinepersonal ko dahil binuwis ko ang kinabukasan namin ng mga anak ko ng walang inasahang kapalit. At ang ganti sa ‘kin at sa mga anak ko ngayon ay binida pa ang deadbeat na tatay… I apologize sa Kuya ko, humihingi rin ako ng paumanhin sa ninang ko na nanay ni Mar – pero klarong klaro sa ‘kin kung bakit ang nanalong pangulo ay si Duterte,” sabi pa ni Aquino.

Ang kanyang post na naging viral sa social media ay nilagyan pa nito ng emoji.

Bagama’t hindi direktang tinukoy ni Kris si Korsina sa kanyang post, malinaw na ang tinutukoy niyo ay ang Rated K host.

Si Korina ay asawa ng natalong 2016 presidenital candidate na si Manuel “Mar” Roxas II.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..