Tuesday 22nd May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Naispatan si Elmo Magalona na sinamahan si Janella Salvador sa gig ng ama ng huli na si Juan Miguel Salvador.

Masaya umano si Elmo na unti-unti ay nagkakalapit na ang mag-ama.

“I think we all want to be complete in our own ways. I think si Jea, I could tell naman that she wants to build a relationship with her father,” sabi ni Elmo.

Natutuwa rin ito at nakilala na nang personal ang ama ni Janella at sinabing pinaalalahan siya nito na alagaan ang anak na si Janella.

Si Janella ay anak nina Juan Miguel at singer Jenine Desiderio.

Ikinuwento rin ng aktor na magkakasama sila ni Janella sa Dubai sa katapusan ng buwan para makaharap ang mga Filipino abroad at inaasahan niya rin na magkakaroon sila ng mini-vacation ni Janella. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..