Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By ROLDAN CASTRO

Malaki ang potensyal ni Sofia Romualdez bilang singer. Marami ang pumuri sa husay niyang kumanta nu’ng launching niya sa Manila Polo Club bilang recording artist ng Viva.

“I don’t wanna be a star. I just wanna make music. That’s what I wanna do, that’s what I’m passionate about,” deklara ni Sofia.

Release na ang kanyang second single na “Thinkin’ Of U” na siya mismo ang nag-compose. ‘Yung first single niya ay “Pikit Mata” ay nakasama rin sa soundtrack ng pelikulang “FanGirl FanBoy.”

“I wanna help OPM and I wanna make good music for everyone. I love music, that’s what I wanna do right now, that’s what I’ve always wanted to do and that’s what I see myself doing forever,” deklara pa niya sa launching-presscon.

Kaaliw si Sofia dahil hindi niya pa alam kung paano kiligin pero sumasaya siya pag merong donuts. Katunayan , may nagbigay pa sa kanya ng pasalubong na donuts nu’ng launching.

Ang sosyal na si Sofia ay anak ng dating Mayor ng Tacloban na si Alfred Romualdez at ang alkalde ngayon na si Cristina Gonzales- Romualdez.

Isa rin siyang Yolanda survivor na nagsilbing therapy niya ang pagkahilig sa musika.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..