Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By ROLDAN CASTRO

Binalak noon ni Piolo Pascual na hindi na gumawa ng teleserye.

Huling nagawa niya ay “Hawak Kamay” apat na taon na ang nakakaraan. Mas gusto niya na maging aktibo na lang siya sa pagho-host, pagkanta at pagiging movie producer.

Hindi na niya kasi carry ‘yung araw-araw may taping lalo’t may hand –to-mouth ka na ( “yung iso-shoot mo tapos iere kinagabihan). Wala na raw siyang ibang gagawin pag ganoon ang sistema kaya mas gusto niyang mag-focus na lang sana sa pagpo-produce lalo’t nakatikim siya ng malaking profit sa pelikulang “Kita Kita.”

Pero ayaw rin niyang tanggihan ang mga blessings lalo na kung maganda ang project gaya ng “Since I Found You” na magsisimula na bukas sa ABS-CBN 2.

Ito’y handog ng Dreamscape Entertainment na kung saan ay makakasama niya sina Arci Munoz, JC de Vera, Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.

Na-convince din siya lalo’t sinabi sa kanya na sabik na silang mapanood siya sa primetime na daily.

“So maski mahirap, when you know you’re not doing it for yourself, you’re doing it for a bigger audience which is not just your station, but the audience of ABS-CBN, that alone, it excites me,” deklara niya.

Bukod dito, kakaiba raw ang concept ng “Since I Found You” sa mga seryeng nagawa na niya. Alam niya may bago na naman siyang maio-offer sa mga tagahanga niya

Ayaw rin niyang isipin ang pressure na ang papalitan ng “ Since I Found You” ay ang “The Good Son” , Maganda kasi ang feedback at ratings ng TGS. Ang priority niya ngayon ay mapaganda ang work niya at magustuhan ng mga tao ang bago niyang serye.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..