Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By KRISSY DIMAYUGA

Hindi lang sa telebisyon namamayagpag ang “Pilipinas Got Talent,” maging sa online world ay umaarangkada rin ang top-rating world-class talent search ng ABS-CBN.

Hinirang kamakailan ang programa bilang pinakaunang Kapamilya show na nakakuha ng Gold Creator Award mula sa YouTube matapos itong umabot at magkaroon ng 1 milyong subscribers sa kanilang official YouTube channel.

Trending din linggo-linggo sa video sharing website ang iba’t ibang “PGT” performances simula pa noong audition round, patunay kung gaano ka in-demand at hinahanap-hanap ng netizens ang mga kaganapan sa show.

Hindi rin papahuli ang “PGT” sa Twitter world dahil bawat episode ay tiyak trending topic ang official hashtag para sa gabing iyon at maging judges ay agaw eksena rin sa top trends.

Lumalaki naman ang following nito sa Instagram dala na rin ng bonggang IG posts nito na talaga namang #feedgoals kung tawagin ng ilan.

Pilot week pa lang ng show ay agad nang pumalo ang episode nito sa all-time high national TV rating na 43.3%, isa sa pinakamataas na rating na nakuha ng isang weekend program para sa taong ito.

Patuloy ang live semi-finals ng programa at ilang grand finalist slots na lang ang natitira.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..