Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Nagpapasalamat si Mike Magat dahil sa pamamagitan ng GMA-7 ay muli siyang napapanood sa telebisyon. Si Mike, na isa na ring direktor ngayon ay bahagi ng Kapuso drama series na “Contessa” na pinagbibidahan ni Glaiza de Castro.

“Thankful ako sa GMA 7, dahil may puso talaga sila sa mga artistang patuloy na nangangarap at nagsisikap sa buhay para sa pamilya. Lalo na sa katulad ko po na gustong ipagpatuloy ang hirap ng mga naranasan ko mula nang ako’y nagsimulang pumasok sa showbiz na kahit mabingit sa kamatayan, handa ako para magawa ko ang aking trabaho.

“Happy ako na napasali rito sa ‘Contessa’ at nagpapasalamat ako sa director namin na si Direk Albert Langitan,” saad ng aktor/direktor.

Dagdag pa niya, “Bilib ako kay Glaiza nang nakaeksena ko siya sa action scene, puwede siyang action star. Bukod pa roon, magaling talagang umarte si Glaiza.”

Sa ngayon ay ginagawa ni Mike ang pelikulang “Turista” na siya ang aktor/direktor. Sa iba’t ibang lugar ang shooting nito tulad sa US, Taiwan, Hong Kong, Macao, Japan. Isang action-drama ang tema nito na parang James Bond daw ang peg na nagto-tour siya sa ibat-ibang lugar.

Kaya inusisa namin siya kung ano ang kanyang magiging priority, acting or directing?

Sagot ni Mike, “Priority din ang acting, pero kapag walang taping o shooting as actor, directing naman. ‘Ika nga, para hindi ako maiinip.

“Kasi, pareho siyang mahalaga sa akin at minahal ko na po ang showbiz at naniniwala ako na kapag minahal mo ang iyong trabaho at positibo ka lang sa lahat kasama ang panalangin, mararating mo ang mga mithiin mo,” seryosong wika niya.

Pahabol pa ni Mike, “Gusto kong kunin sa ginagawa kong pelikulang “Turista” yung mga aktres natin na sumasabak sa action, yung parang tipong Angelina Jolie ng Hollywood. Ganoon ang balak ko, kasi magsu-shooting din kami rito sa Pilipinas. baka sa Manila at sa Baguio.

“Sa tingin ko yung talagang puwede sa action, yung aktres na puwede ay ito ngang si Glaiza de Castro. Kung available sa schedule niya, posible, kasi ang gusto kong aktres sa “Turista” ay yung makakakilos siya na puwedeng-puwedeng pang-action talaga.”

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..