Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By ROLDAN CASTRO

Dugong showbiz si Leandrea Gabrielle Batingan. Isa siya sa malakas ang dating na kandidata ng Miss Philippines Earth 2018. Mula siya sa Padilla-Osorio clan. Apo siya ni Direk Bebong Osorio. Kamag-anak din niya sina Rudy Feranandez at Robin Padilla.

Ipinagmamalaki ni Len Carillo, Presidente ng 3:16 Events & Talent Management ang talent nilang si Leandrea .Siya ang pinakabatang kandidata ngayong taong ito, 18 years old at estudyante ng Humanities and Social Sciences sa College of Saint Anthony.

Representative siya ng San Jose del Monte City. May taas siyang 5 feet 7 inches . Ang vital statistics niya ay 33-24-35.

Ang advocacy ni Leandrea ay mabawasan ang paggamit ng plastic.

Titlera rin siya. Naging Mutya ng Tanglawan 2017 at nanalo rin sa Miss Philippines Junior Model International 2017.

Mas gusto ni Leandrea na mg-focus sa singing kesa sa acting pag seryoso na ang pagso-showbiz niya. Pero marami ang nagsasabi na pang-leading lady ang dating niya.

Basta ngayon focus siya ay sa pageant na sinalihan niya.

Bakit gusto niyang maging Miss Philippines Earth 2018?

“I want to use my voice to implement and spread awareness and knowledge of how we will be able to save the planet Earth. I believe, there is a difference between explaining and telling people what climate change really is. It is timely and needs full attention to be solved, but first we need to stand as a nation in order to preserve the Mother Earth. People need to understand that if we want something to be fixed, then we need to have constant cooperation. I want to share this not only to my country, but the whole world.,” pakli niya na makikita sa www.missphilippines-earth.com.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..