Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By ROLDAN CASTRO

Ayaw seryosohin ni Kim Chiu ang pag-amin ng kanyang leading man sa ‘DOTGA: Da One That Ghost Away’ na si Ryan Bang na crush siya nito.

“Lilipas din ‘yan,” tumatawang sagot ni Kim.

May pag-asa ba si Ryan kung sakaling wala si Xian Lim?

“Ah, isipin natin, baka next life,” pakli pa niya sabay tawa.

Pero todo puri rin siya sa ka-partner dahil seryoso raw ito sa trabaho, galante, mabait at masuwerte kung sino ang magiging nobya nito.

“Oh my gosh, si Ryan, gusto ko kasi matatangkad, pasok! Maputi, pasok! Tsinito, pasok! May ilong, pasok! Wala namang taong walang ilong, matangos ang ilong, pasok! Cute, pasok!” sey pa ni Kim sa presscon ng DOTGA

Anyway, humanda sa pinaka-kapanapanabik na barkada movie of the season – ang DOTGA: Da One That Ghost Away, na pinakabagong offering ng Star Cinema.

Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Tony Y. Reyes at sa panulat nina Danno Mariquit, Daisy Cayanan, at Dip Mariposquea ng DOTGA ay ang ultimate adventure-horror-comedy movie ngayong tag-araw na tiyak na kagigiliwan ng buong barkada at pamilya.

Ipinapakita din sa DOTGA ang versatility ni Kim bilang isang mahusay na aktres na nag-e-excel sa halos lahat ng genre – mula drama hanggang hard core comedy hanggang light romantic comedy.

Makakasama rin niya sina MaymayEntrata , Edward Barber , Enzo Pineda, Lassy Marquez, Moi Bien, Matet De Leon, Cai Cortez, Chocoleit, at ang mga beteranong mga aktres na sina Marissa Delgado at Odette Khan . Showing na ito sa April 18.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..