Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By Nonie v. Nicasio

Nakakatakot na nakakatawa ang mapapanood sa pelikulang “DOTGA” o “Da One That Ghost Away” na showing na sa April 18. Tinatampukan ito ni Kim Chiu kung saan ay magpapakuwela at sasabak siya sa katatakutan.

Sa pamamagitan ng phone patch ay nakatsika kagabi ni Ogie Diaz sa kanyang teleradyo program na “OMJ” sa DZMM si Kim. Dito’y ikinuwento ng Kapamilya actress ang dapat asahan sa pelikulang ito ni Direk Tony Y. Reyes at kung ano ang papel niya rito.

Saad ni Kim, “Sa Da One That Ghost Away, ako kasi rito yung taga-cast away ng mga ghost, isa akong ispiritista, mayroon akong kapangyarihang magpawala ng mga multo sa mga bahay, sa mga opisina, or mayroon pang iba pa na parang itse-tsek kung nakulam ka ba. Ako iyon, trabaho ko iyon as ispiritista.

“Ayun, kami yung taga-ghost away. Kasama ko rito yung Pektus Barkada na sila Ryan (Bang), sila Lassy (Marquez), Moi (Bien), and Pepe (Herrera).”

Ipinaliwanag din niya kung paaano matatakot ang viewers sa isang pelikulang may sangkap ng comedy.

“Una, siyempre nandoon iyong set-up na haunted yung mansion na pinupuntahan namin, luma yung mga bahay na pinupuntuhan namin, at the same time, itinali namin yung horror para makapanood lahat. Kasi yung mga karamihan, takot sa horror movies, pero ito babawiin namin para hindi sila sobrang takot. Matatakot sila, pero matatawa rin sila.”

Ayon pa kay Kim, iba rin daw ito sa nagawa na niya before sa pelikulang “Ghost Bride” ni Direk Chito Roño.

Aniya, “Yes, ibang-iba, iyon naman sobrang iba talaga yun. Ito rin, ibang flavor din kasi si Direk Tony Reyes, yung direktor namin dito.”

So, ibang Kim Chiu ba ang mapapanood nila rito?

Sagot ng aktres, “Oo naman, oo naman. Kung nagustuhan nila yung mga tawa laughters ko sa Showtime, rito mas maraming-marami pang katatawanan dahil halos lahat ng kasama ko, komedyante.”

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..