Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By JOSHUE MARINAS

May balitang hindi na raw talaga babalikan ni John Lloyd Cruz ang pag-aartista o ang mundo ng showbiz.

Paninindigan na raw ng magaling na aktor ang pagiging ama ng kanilang anak ni Ellen Adarna na sinasabing buntis at manganganak na sa darating na Mayo.

Kung mangyayari, maraming product endorsement and advertisers ang maiiwan ni Loydie kung saan siya kumita nang limpak-limpak,tulad na lang ng isang kompanya ng money transfer service.

Sabi ng ilang showbiz authorities, malamang daw na mapunta sa bagong aktor na si Joshua Garcia ang mga maiiwan na ito ni John Lloyd dahil sinasabing may pagkakahawig sila sa pag-arte.

Malaking advantage daw it okay Joshua na sinasabing mas magaling namang umarte kesa kay John Lloyd.

Noong bago pa lang si Joshua sa showbiz ay maraming nagsasabi na siya na nga ang papalit sa trono ni John Lloyd.

Ngayon pa lang ay napakarami nang commercials at product endorsements ni Joshua at lalo siyang sumikat nang husto sa katatapos lang na TV series na “The Good Son.”

Pinatunayan doon ni Joshua ang pagiging tunay na aktor kung saan humanga sa kanya ang maraming manonood dahil sa ipinakitang husay sa pag-arte.

Abangan na lang natin kung karapat-dapat nga siyang pumalit sa image ni John Lloyd.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..