Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By JOSHUE MARINAS

Tinanggihan daw ng seksing aktres na si Gretchen Barretto ang isang alok na pelikula sa Hollywood dahil sawa na raw itong mag-artista.

Ayon sa isang malapit sa aktres, hindi raw natuloy ang meeting nila with the Hollywood producer dahil hindi na pumayag si Gretchen. Masasayang lang daw ang oras nila dahil talagang ayaw na muna nitong humarap sa kamera

Parang gusto na raw nitong mag-retire sa showbiz. Feel na lang ng aktres na maggala at mag-enjoy sa kanyang pamilya malayo sa gulo ng entertainment world.

Sabi naman ng ilang kati-katerang showbiz authorities, tumanggi raw siguro si La Greta dahil hindi naman ganun kalaki ang movie project na yun sa Hollywood. Baka raw pipitsuging production outfit lang ang may hawak kaya dinedma ng seksing aktres.

May tsika na magkakaroon ng online show si Gretchen kasama ang kontrobersiyal na talent manager na si Manay Lolit Solis.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..