Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By KRISSY DIMAYUGA

After ng kanilang hit movie na ‘Kita Kita,” balik tambalan ang AlemPoy sa TV series na “Since I Found You” na mapapanood na bukas ng gabi sa ABS-CBN.

Kaya naman masaya kapwa sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.

Ani Alessandra, masaya siya sa muli nilang pagsasama ni Empoy.

“Siyempre komportable ka sa tao (Empoy).

“Although komportable naman ako sa kanila pero Empoy is Empoy. Siya ang aking hope. Ha-hahaha!” natatawang turan ni Alex.

Hindi rin naman itinago ni Empoy ang excitement sa pagsasama muli nila ni Alex.

Aniya, “Masaya po, it feels so good. First time po namin mag-teleseryeng dalawa, samahan pa ng Papa P, Arci and JC kaya mas masaya talaga!”

Makakasama rin sa cast ng “Since I Found You” sina Carmi Martin, John Lapus, Vivoree Esclito, Isabel Oli, Cholo Barretto, at Michael de Mesa, sa produksiyon ng Dreamscape Entertainment na pamamahalaan ni Antoinette Jadaone.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..