Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By JOSHUE MARINAS

Matagal nang pinag-usapan at naplantsa na ang isang malaking fantasy adventure movie project. Two years na yata nang magpa-presscon ang producer nito.

Marami ang nag-abang dahil talaga namang maganda at batambatang aktres ang gaganap dito. Marami ang na-excite pero marami rin ang naunsyami.

Eh kasi naman, hanggang ngayon ay hindi pa matuluy-tuloy ang shooting nito dahil ayaw pa raw umpisahan ng direktor.

Hindi pa raw kasi bagay dun sa sikat na aktres ang pagbibidahan nitong karakter.

Medyo mataba pa raw kasi ngayon ang aktres. Hindi pa raw toned-down ang katawan nito. Kailangan daw sa nasabing movie ay talagang seksing-seksi ang bidang babae.

Kailangan daw ay maganda ang lahat ng hugis ng katawan, mula sa braso hanggang sa balakang. Hindi pa raw ito naa-achieve nung aktres kaya’t kailangan pa nitong mag-exercise at mag-trim nang kaunti.

Bukod dyan ay may teleserye pa ngayon ang magandang aktres at kailangan munang matapos ito bago umpisahan ang malaking pelikula.

Naku, if I know, talagang may problema lang siguro sa production kaya’t hindi pa matuloy ang pelikula. Madali lang naman kasing magpaseksi kung ito lang naman ang problema,

Ilang work out lang sa gym ay magiging okey na ang aktres.

O baka naman kulang pa sila sa budget? Hahahah!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..