Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By KRISSY DIMAYUGA

Walang kagatul-gatol na sinabi ni Alessandra de Rossi na hindi niya naiisip ang ukol sa pag-aasawa at pag-aanak.

Anang isa sa bida ng “Since I Found You” na mapapanood na bukas ng gabi kapalit ng “The Good Son,” very much single siya.

Naikuwento nga ng award winning actress na may nagbibigay sa kanya ng baby pero tinanggihan niya iyon.

“Wala kasing pambayad ‘yung mommy sa hospital, P60,000 ‘yung bill. So, pangtubos para mailabas ‘nung mom. ‘Yung isa naman inalok sa akin sa kalye sa halagang P5,000,” kuwento ni Alex.

Hindi niya iyon tinanggap dahil ‘di niya feel ang ganoon, ibinebenta ang anak.

“Sobra, parang ano ‘yan, tuta? Hindi ako interesado. Interesado ako kung napulot, kung nakita mo sa gubat mag-isa, kumbaga sa stray cat, ‘yung ganoon. Pero ‘yung ibebenta, may money involved, parang nakaanghihina,” esplika ni Alex.

Giit pa ng aktres, tatanggapin niya ang sanggol kung bigay. “Pero ‘yung may kapalit na pera, parang hindi ko yata matatanggap,” sambit pa ni Alex.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..