Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By JOSHUE MARINAS

Kitang-kita sa TV screen kaninang tanghali (April 15) sa “Sunday PINASAya” ang pagiging malusog ngayon ng katawan ng Pambansang Bae na si Alden Richards.

Malaki nga ang itinaba ni Alden mula nang manggaling ito sa Amerika kamakailan lang dahil namimintog ang mga braso at mukha nito sa screen.

Baka napasarap daw ang kain ni Alden habang nasa States kaya’t sa ilang araw pa lang na pagkaka-stay dun ay tumaba agad. Malamang din daw ay nag-enjoy ito sa Amerika at nakapagpahinga nang todo.

Nag-punta sa USA ang poging aktor para tanggapin ang silver medal and trophy mula sa 2018 New York International Television & Film Awards dahil sa pagkakapanalo ng kanyang documentary drama na “Alaala: A Martial Law Special” na produced ng GMA 7.

Pagkatapos ay nagpaiwan siya doon kasama ang kanyang handler na si Leysam Sanciangco.

Nagpunta naman siya sa New York para i-meet muli si renowned acting coach Anthony Bova para sa isang one-on-one workshop, kasama ang facilitator, ang actress-opera singer na si Ana Feleo. Nagkita sila sa New York noong April 12 (April 13 dito sa atin).

Sa ngayon ay wala pa munang ginagawang pelikula si Alden pero malapit nang mag-umpisa ang isang teleserye niya sa Kapuso Network.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..