Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By JOSHUE MARINAS

Inihayag ni Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Teo na nagbigay daw ng go signal si Pangulong Duterte sa kanyang ahensiya para makipag-usap at himukin ang Miss Universe Organization (MUO) na gawin dito sa Pilipinas ngayon taon ang prestihiyosong beauty pageant.

Kung magiging mapalad ang Pilipinas ay baka gawin daw sa Boracay ang swimsuit competition ng Miss Universe 2018.

Ayon kay Sec. Teo, sinabi raw ng Pangulo na magandang ilagay ang Miss Universe sa Boracay kapag nag-open uli ito sa darating na Disyembre para magpuntahan daw ang maraming turista.

Nakipag-meeting na raw ang DOT sa MUO hinggil sa planong ito. Pero bukod sa Pilipinas ay nakipag-usap na raw ang organisasyon sa China para idaos doon ang 67th Miss Universe Pageant.

Malaking tulong daw ang magagawa ng naturang sikat na beauty pageant upang iangat uli ang turismo sa Boracay na ngayon ay medyo nade-deteriorate na dahil sa problema sa basura.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..