Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By JOSHUE MARINAS

Malungkot na ipinagdiwang kahapon ni Bacoor City Mayor Lani Mercado ang kanyang ika-50 kaarawan dahil hindi niya kapiling ang asawang si dating senador Bong Revilla.

Halos apat na taon nang nakakulong si Bong sa Camp Crame Custodial Center dahil sa kasong plunder na isinampa ng pamahalaan laban sa kanya.

Ayon sa aktres na ngayon ay mayor ng Bacoor City, nagkatawagan lang daw sila sa telepono ng kanyang asawa at binati siya ng “happy birthday.” Malungkot daw isipin sa ganitong espesyal na pagkakataon ay hindi niya kapiling ang pinakamamahal na kabiyak.

Dalangin niya sa Diyos na sana ay malampasan pa ng kanyang pamilya ang pagsubok na ito at tuluyan nang makalaya si Bong.

Kagabi (April 13) ay ipinagdiwang ni Mayor Lani ang kanyang Golden birthday kapiling ang mga constituents ng Bacoor City.

Maraming tao ang dumating sa selebrasyon na ginanap sa Revilla Business Park sa Bacoor City kung saan nagkaroon muna ng misa bago nagsalu-salo sa isang masaganang hapunan.

Dumating din ang ilang pulitiko tulad nina Sen. Grace Poe, Sen. Cynthia Villar, dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo, at dating senador Jinggoy Estrada.

May sa mga taga-showbiz din na dumalo na pinangunahan ni Gabby Concepcion, Randy Santiago, Bea Binene at Vice Ganda na naghandog ng libreng concert pagkatapos ng hapunan.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..