Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Grabe pala ang kagaspangan ng ugali ng isang gurang na aktres. Hindi kami halos makapaniwala sa nasagap naming tsika. Na-meet na kasi namin ng twice ang aktres at sobrang sweet at sobrang bait nito sa press.

Pati ilang nakausap naming co-star niya sa isang advocacy film na ginawa nila, pinupuri ang may edad na aktres dahil sobrang galing niyang makisama sa lahat. Na pati ultimong crew ay bilib sa kabaitan niya.

Pero ayon sa aming source, front lang ito ng naturang aktres.

“Naku titah! Boladas lang iyan ng gurangis na aktres. Kumbaga, front lang niya iyan para sabihin na Ms. Friendship siya sa lahat. Ang totoo, nasa loob ang kulo ng pagiging maldita niyan!

“Na kapag sila na lang ng dyulalay niyang asungot lang naman kung tutuusin, kung ano-anong panlalait ang sinasabi niyang gurangis na aktres sa ibang tao,” kuwento ng aming spy.

“Sa trulili lang, kung may award as Best Plastikada aktres of the Year, susungkitin niya iyan, no doubt! Ganyan kagaspang ang ugali niyan.

“May kinalaman siguro diyan yung sipsip na adviser niya kuno. Na kung tutuusin ay isang glorified dyulalay lang naman talaga. Laitera kasi ang dyulalay niya kaya baka nahawa na rin ang may edad na aktres.

“Kaya ayun, kapag sila lang dalawa ng adviser con dyulalay niya, lahat na lang ay nilalait nilang dalawang mag-amo.

“Gusto mo nang clue, titah!” Patiling tanong ng aming source. “Okay eto ang clue mo, ang gurangis na plastikadang aktres ay frustrated singer din kaya rumaket din siya noon sa pagkanta-kanta. Gets mo na ba?!” patiling tanong pa ng aming spy.

Yun na! (TSIKADORANG SPY)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..