Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By JOSHUE MARINAS

Nakakaloka ang drama ng guwapo at makinis na aktor na ito pagdating sa make-up.

Tsinika ng isang make-up artist ang kaartehan ng medyo tsinitong aktor na bida ngayon sa isang teleserye.

Kuwento ng mahaderang bakla, minsan daw sa set, bago mag-take ay memek-apan na sana niya ang aktor. Tiningnan daw muna nito ang mga dala niyang gamit sa pagme-make-up.

Nawindang daw ang bading nang sabihin ni aktor na ‘yun mga dala na lang niya sa pagme-make ang gamitin para sa kanya. Kumbaga, ayaw daw nitong gamitin yung mga dalang gamit ng bakla.

Sabi daw, nag-iingat lang ang aktor sa hygiene nito.

Wala namang problema dun sa make-up artist kaya’t sumunod na lang sa gusto ng maarteng aktor.

Nang tingnan daw ng bading ang gamit ng aktor ay naloka ito. Mas malinis pa raw ang dala niyang facial brush kesa dun sa sariling gamit ng aktor!

Tapos, inilabas daw nito ang hair brush. Lalong naloka ang bading nang makitang puro buhok at parang marumi ito.

Nagmahadera ang baklitang make artist at sinabing, “Sir, mas malinis po itong mga dala ko.”

“Hamo na siya, at least mga sarili at personal na gamit ko ang mga yan,” sagot daw ng aktor.

Natigagal na lang ang bading at sinimulang pakinisin at linisin ang mukha ng aktor.

Marami rin ang nakakapuna na talagang may pagka-maarte ang guwapong aktor at medyo maldito raw ito sa mga production crew. Suplada ang lowlah mo! Hahaha!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..