Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By JOSHUE MARINAS

Hindi inimbitahan si John Estrada ng president at CEO ng ABS-CBN na si Carlo L. Katigbak sa ibinigay nitong appreciation merienda para sa casts at production staff ng teleseryeng “The Good Son” na nagtapos sa ere kagabi (April 13).

Naganap ang pagtitipon kahapon ng tanghali sa chronicle lounge ng ELJ Building sa loob ng ABS-CBn compound.

Ito’y bilang pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng pumatok na teleserye na sinubaybayan ng maraming manonood sa telebisyon. Bukod sa presidente ay um-attend din ang ilang executives ng Kapamilya Network.

Pero hindi nga raw isinama si John na nagkaroon din naman ng malaking partisipasyon sa naturang serye bilang kapatid ng pinatay na si Albert Martinez.

Matatandaan na nagkaroon noon ng alingasngas kay John nang mapabalitang hinarass daw nito verbally ang bida rin na si Mylene Dizon habang nagte-taping. Hindi masyadong nagsalita ang aktres tungkol sa isyu pero maraming nagpatotoo sa umano’y ginawa ni John.

Dahil dito, agad pinatay ang karakter ni John sa serye kahit hindi pa naman dapat. Kagabi ay tagumpay na natapos sa ere ang “The Good Son” na sinubaybayan ng maraming televiewers dahil sa magaling na pag-arte ng bidang si Joshua Garcia.

May balitang lumipat na ng network si John Estrada at nasa ilalim na ito ngayon ng Kapuso Network.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..