Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Hindi pala sumabak sa daring scenes ang indie actor na si James Robert sa TV series na “Team-B Terror” na napapanood ngayon sa Astro Boo Channel, isang sikat na horror cable channel sa Malaysia. Sa movie niya kasing “Balatkayo” ay matitinding love scene at nude scene ang ginawa niya.

Saad ng binata, “Dito po sa TV series na ito, wala po akong daring scene gaya po ng last movie ko na “Balatkayo” na medyo intense ang bed scene ko at yung sex scandal scene nga. Pero rito, puro po katawan naming mga lalaki ang makikita, katawan na pang-basketball, athlete na solid ang katawan at may pa abs pa.

“Although may mga scene na naka briefs at boxers lang kami, natutulog at nagtatakbuhan sa takot.”

Kung may offer na mas daring sa ginawa mo sa “Balatkayo,” game ka ba?

Esplika ng Fil-Am na aktor, “Kung mabibigyan po ako ng offer na mas daring sa “Balatkayo,” game naman po ako pero magdedepende pa rin po ito sa manager ko (Benjie Alipio), kasi siya po mismo ang nakakaalam kung ano ang mas nababagay sa akin. At rerespetuhin ko po ang desisyon niya.”

Dagdag pa niya, “May mga naka-line up na projects po naman sa akin, pero kailangan ko pa po muna kasing umalis ng bansa sandali para bumalik sa Japan at samahan yung mama and kapatid ko. Babalik din naman po ako agad para ituloy ang mga napag-usapan na mga projects.”

Nalaman din ng Newsko sa panayam kay James na sobrang pantasya pala niya ang Kapuso actress na si Rhian Ramos.

“Ang actress na pinagpapantasyahan ko po talaga ay si Rhian Ramos. Makikita naman po talaga natin kung gaano kaseksi at makinis si Rhian, kaya sure ako na marami ang nagkakagusto sa kanya, kagaya ko.”

Anong klaseng pantasya ang ginawa mo sa kanya?

“Minsan po, pag may mga sexy photos si Rhian, talagang di ko mapigilang tumayo ang akin, na nakakaramdam ng init ang katawan ko, kaya ayun nilalabas ko na lang. Ganoon ko siya pinagpantasyahan.”

Inilalabas ang init? As in self sex?

“Opo ganoon na nga, para mailabas ang init ng katawan ko ay nag-self sex po ako minsan. Pero, minsan lang po iyon kapag may nakikita akong sobrang sexy photos talaga ni Rhian,” natatawang saad pa ni James.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..