Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By JOSHUE MARINAS

Si James Reid daw ang mismong naglalaba ng marurumi niyang damit at sapatos sa bahay nila ng kalive-in na at ka-loveteam na si Nadine Lustre sa isang eklusibong lugar sa Quezon City.

Ayon sa poging aktor, dati raw ay yung sister niya ang nag-aasikaso ng labada niya at minsan ay yung maid nila.

Pero ngayon ay natuto na raw siyang maglaba kaya’t ayaw na niyang ipahawak sa iba ang kanyang maruruming damit. Pati ang paglilinis ng sapatos niya ay siya ang gumagawa.

Naglalaba raw siya at naglilinis ng sapatos kapag hindi hectic ang schedules niya sa shooting o walang anumang showbiz engagements.

Mas gusto raw ng Australian actor na siya ang gumawa ng mga ganitong bagay para mas personal ang dating. Alam daw niya kasi kung saan parte ng kanyang damit ang nadumihan.

Sanay din daw si James sa mga gawaing-bahay dahil madalas niya itong ginagawa noong andun pa sila sa Australia. Hindi naman daw mayaman ang pamilya nila doon kaya’t natuto silang magtrabaho sa loob ng bahay.

Pero si Nadine daw ay nagpapalaba sa maid nila dahil masyadong busy ito sa career.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..