Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By NONIE V. NICASIO

Inilabas na ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO) ang mga nagwagi sa kanilang ika-dalawampung taon ng pagbibigay ng parangal. Kabilang sa major winners dito, tabla bilang PinakaPASADOng Aktor sina Dingdong Dantes (Seven Sundays) at Empoy Marquez (Kita Kita). PinakaPASADOng Aktres naman si Joanna Ampil (Ang Larawan).

Nagkaroon naman ng triple tie para sa PinakaPASADOng Pelikula na napanalunan ng Ang Larawan (Culturtain Musicat Productions), Seven Sundays (Star Cinema Productions), at Siargao (Ten17 Productions). Samantalang si Direk Paul Soriano (Siargao) ang itinanghal bilang PinakaPASADOng Direktor.

Nanalo naman bilang PinakaPASADOng Aktres sa Teleserye si Ms. Sylvia Sanchez (Hanggang Saan) at PinakaPASADOng Aktor sa Teleserye si Joshua Garcia (The Good Son).

Ang veteran actor na si Robert Arevalo ang recipient para sa taong ito ng Pasado Lifetime Achievement Award. Samantalang si Direk Jose Javier Reyes ang tatanggap ng award bilang PinakaPASADOng Guro.

Ang ilan sa mga opisyal ng PASADO ay kinabibilangan ng pangulo nitong si Dr. Manny Gonzales, Vice president-Prof. Arthur Pizzaro, sina Dr. Ma. Elma Cordero, Prof. Ciara San Pedro, Ginang Bertis, Mayla Bautista Atienza, at iba pa.

Ang 20th Gawad Pasado awards ay gaganapin sa May 19, 2018 sa ganap na ika-pito ng gabi sa National Teachers College, Manila.

Narito ng kumpletong listahan ng mga nagwagi:

PinakaPASADOng Pelikula (triple tie)

“Ang Larawan” (Culturtain Musicat Productions)

“Seven Sundays” (Star Cinema Productions)

“Siargao” (Ten17 Productions)

PinakaPASADOng Direktor

Paul Soriano (Siargao)

PinakaPASADOng Aktor (tie)

Dingdong Dantes (Seven Sundays)

Empoy Marquez (Kita Kita)

PinakaPASADOng Aktres

Joanna Ampil (Ang Larawan)

PinakaPASADOng Katuwang na Aktor (tie)

Michael Ketchup Eusebio (Seven Sundays)

Edgar Allan Guzman (Deadma Walking)

PinakaPASADOng Katuwang na Aktres

Menchu Lauchengco (Ang Larawan)

PinakaPASADOng Istorya (tie)

Perry Escaño (Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa)

Sigrid Andrea Bernardo (Kita Kita)

PinakaPASADOng Editing

Lawrence Fajardo (Ang Larawan)

PinakaPASADOng Sinematograpiya

Odyssey Flores (Siargao)

PinakaPASADOng Dulang Pampelikula

Eric Cabahug (Deadma Walking)

PinakaPASADOng Musika

Ryan Cayabyab (Ang Larawan)

PinakaPASADOng Tunog

Mark Locsin (Siargao)

PinakaPASADOng Disenyong Pamproduksiyon

Gino Gonzales (Ang Larawan)

Pasado Lifetime Achievement Award

Robert Arevalo

PinakaPASADOng Guro

Jose Javier Reyes

PinakaPASADOng Likhang Bata (Child Aktor)

Marc Justine Alvarez (Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa)

PinakaPASADOng Lingkod-Bayan

Vice Mayor Joy Belmonte

Cong. Alfred Vargas

PinakaPASADOng Mamahayag sa Larangan ng Kamalayang Pilipino

William Thio (UNTV)

PinakaPASADOng Dangal ng Kabataan

Inigo Pascual at Maris Racal

PinakaPASADOng Aktor sa Teleserye

Joshua Garica (The Good Son)

PinakaPASADOng Aktres sa Teleserye

Sylvia Sanchez (Hanggang Saan)

PinakaPASADOng Pelikula Sa Paggamit ng Wika

“Siargao”

PinakaPASADOng Pelikula sa Pagpapahalaga sa Edukasyon

“Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa”

Gawad PASADO Pagkilala at Pasasalamat sa The National Teachers’ College-Manila.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..