Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By JOSHUE MARINAS

Feeling ng aktor na ito ay sikat na sikat pa rin siya. Akala niya ay titilian pa rin ng fans ang kanyang mga pelikula. Naku, noh! May edad na siya at parang wala nang sex appeal.

Guwapo pa rin nga ang aktor hanggang ngayon pero kita na ang kaunting pelegis sa mukha. Nag-age na siya lalo nang bagong dating mula sa Amerika. Pumogi na lang nang kaunti nang mag-stay dito sa Pilipinas at maging active uli sa showbiz.

May nakakalokang drama ang aktor na ito kamakailan lang. May gagawin sana silang pelikula ng kanyang ka-loveteam noon na isang sikat na aktres kung saan ay nagkaroon sila ng isang magandang anak.

Hindi matuluy-tuloy ang movie project dahil sa aberya at kung anu-anong kaeekekan ng pogi pa ring aktor.

Dun sa aktres na kapartner niya ay okey lang, gusto nga niyang magkatambal uli sila dahil request daw ng marami nilang fans.

And finally, tsika sa atin ng isang reliable source, ay talagang hindi na matutuloy ang pelikulang pagtatambalan uli ng dalawa.

Ang dahilan? Nakakaloka raw ang asking price ni aktor. Tumataginting na 10 million pesos!

Nagbaba na nga raw ng professional fee ang magiging katambal na aktres para matuloy lang ang movie project nila. Kalahati na lang ang sinisingil nito for the sake of fans.

Pero ang aktor ay ipinagpipilitan pa rin daw ang naturang asking price. Kung hindi raw maibibigay ng produ ang hinihingi niyang presyo ay huwag na lang ituloy ang pelikula.

Sabi tuloy ng iba ay talagang iba ang naging hangin sa ulo ng aktor na ito. Porke may mga teleserye siya ay feeling sikat na sikat pa rin siya.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..