Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Ipinahayag ni Barbie Forteza ang sobrang kagalakan sa resulta ng premiere night ng “Almost A Love Story” na tinatampukan nila ni Derrick Monasterio. Bukod kasi sa full house ang Cinema-7 ng Megamall last April 10, dumagsa rito ang fans nila ni Derrick kaya marami ang sa aisle na lang umupo sa panonood ng pelikula ng DerBie love team.

Lalong nag-umapaw ang kaligayan ni Barbie nang dumating dito ang mga Kapuso stars na sina Marian Rivera at Ai Ai delas Alas upang magbigay ng suporta sa kanila ni Derrick, pati na kay Direk Louie Ignacio na director ng naturang pelikula ng BG Productions International.

Si Direk Louie ang director nina Marian, Ai Ai, at Barbie sa GMA-7 show na “Sunday PINASaya.”

Masayang saad ni Barbie nang makapanayam ng mga taga-media after ng premiere night, “Sobrang thankful ako to my SPM family, alam kong napaka-busy nila pero nageffort silang pumunta kaya maraming maraming salamat po.”

Nang matanong ng Newsko kung ano ang naramdaman niya sa pagdating nina Maria at Ai Ai, plus ang suporta ng fans, sinabi ng young actress na ang pakiramdam niya ay parang nanalo ng award.

Pahayag ni Barbie, “Ay grabe! Sobrang saya, parang nanalo na ako agad ng award kahit wala pa man din. Kasi, iba yung suporta ng Primetime Queen, Comedy Queen, at ng lahat-lahat na po! Kaya very thankful po talaga ako.

“Pati sa fans ay sobrang nagpapasalamat ako sa pagdating nila ngayong gabi, sa kanilang suporta sa amin ni Derrick.”

Ine-expect mo ba na darating sina Marian at Ms. Ai Ai?

Sagot ni Barbie, “Opo, viniber po nila ako. In-invite ko po kasi sila.”

Bukod kina Marian at Ai Ai, dumalo rin sa premiere night ng Almost A Love Story ang mga Kapuso artists na sina Gladys Guevarra, Jeric Gonzales, at Kyline Alcantara.

Showing na ngayon ang “Almost A Love Story” na tinatampukan din nina Ana Capri, Lotlot de Leon, at Matet de Leon. Ang pelikulang ito ay nakakuha ng Graded-B sa Cinema Evaluation Board at Rated-G naman sa MTRCB kaya puwedeng-puwede itong panoorin ng buong pamilya.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..