Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By NONIE V. NICASIO

Hindi pinalampas ni Aiko Melendez ang intriga na kesyo wala siyang utang na loob sa GMA-7. Matapos kasi ang top rating teleserye nilang “Wildflower” ay nagkaroon ng offer sa kanya ang GMA-7, ngunit mas pinili ng magaling na aktres ang offer ng ABS CBN na maging bahagi ng teleseryeng “Bagani” na tinatampukan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Pahayag ni Aiko sa kanyang FB post:

“I just want work… And if working for some people is bad, then i don’t know what right is… If being picky with roles is a sin, di ko problema yan, I deserve to do that coz its my right to take care of my career. I do and give my best each project given to me, cguro naman karapatan ko ang mamili after all ako ang gaganap dyan di po kayo… Kng gusto nyo mamili, eh di antayin nyo me magandang offer sa inyo, Wag ung offer sa akin ang tignan nyo po.. Mali pa dn???… Or favorite mo lang talaga ako punahin?”

“My statement about staying in Kapamilya does not mean me bad blood ako sa GMA, I was asked nagkataon na mas maganda ung offer ng ABS CBN sa akin which is Bagani, if after ‘Bagani’ me magandang role ang GMA, I dont mind working with them again… Because i have maintained a good working relationship with them.. So bakit ako ang binabanatan again na walang utang na loob? Di ko gets… Parang ako ata ang flavor of the week na punahin?”

Sa panayam namin sa kanya, sinabi ni Aiko na sabay na dumating ang offer ng GMA-7 at ABS CBN, at nagkataon na mas nagustuhan niya ang offer sa “Bagani.”

“Sabay na sabay ang offer sa ‘Bagani’ at ang offer ko sa kabila. But I opted to stay with ABS CBN nga dahil ang ganda ng ‘Bagani.’ So, nagkataon kasi na mas nagustuhan ko po ang offer ng Dos… iyon lang ang sinabi ko po,” paglilinaw niya.

Saad pa ni Aiko, “I just needed to clear my side dahil baka naman mali ang makarating po sa GMA-7, eh, okay ako sa kanila.”

Sa isang panayam sa kanya ng TV Patrol, nilinaw pa ni Ms. Aiko ang rason ng pagtanggap niya sa offer ng “Bagani.”

“When I learned about the offer na ‘Bagani’ and I was handpicked by Tita Malou Santos and Inang Olive Lamasan, alam naman natin na si Inang Olive is very close to my heart. She’s the first director na nagbigay sa akin ng first acting award.

“So coming from Inang Olive na she wants me to do this, kahit ano pa ang offer noong kabila, ito tinanggap ko kasi the project itself is very big. So, I feel so blessed na isinama ako rito.”

Si Aiko ay gumaganap sa “Bagani” bilang si Matadora, isang matapang at walang kinakatakutang pinuno ng mga pirata.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..