Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By ROLDAN CASTRO

Hindi dapat palagpasin ang huling episode ng Kapuso adventure-filled fantasy series na “Sirkus” ngayong Linggo (April 15).

Nagbuwis ng buhay ang lider ng Sirkus Salamanca na si Master Leviticus (Gardo Versoza) upang sagipin ang kambal na sina Mia (Mikee Quintos) at Miko (Mikoy Morales) mula sa mga kamay ni La Ora (Cherie Gil).

Bago siya malagutan ng hininga, binigyan ni Master Levi ang kambal ng isang huling misyon: sa pamamagitan ng kanilang kapangyarihan bilang itinakdang Tempus, kailangan nilang bumalik sa nakaraan upang baguhin ang isang mahalagang kaganapan. Pupunta sila sa Pulang Pista upang makilala ang batang si Leviticus (David Remo) at mabigyan ito ng babala upang mapigilan ang isang batang babae na maging masama sa hinaharap.

Sa kasalukuyang panahon naman, buong-tapang na haharapin ng Sirkus team si La Ora habang naghahasik ito ng lagim sa mundo.

Tampok din sa “Sirkus” sina Andre Paras (Martel); Chariz Solomon (Astra), Sef Cayedona (Al), at Klea Pineda (Sefira). Ginampanan naman nila Zoren Legaspi at Angelu de Leon ang mga magulang ng kambal na sina Miguel at Liza habang nagsilbing kasabwat ni La Ora sina Divine Tetay at Gerard Arca bilang Luca at Facundo.

Ang “Sirkus” ay mula sa award-winning team ng GMA Public Affairs, sa konsepto ng Program Manager na si Angeli Atienza at sa direksyon ng internationally-awarded writer-director na si Zig Dulay.

Huwag palampsin ang katapusan ng “Sirkus,” ngayong Linggo, 6:10 PM sa GMA 7 (30).

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..