Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Sobra ang kasiyahan ni Ryan Tamondong dahil isa na siyang ganap na Star Music artist. Sa aming panayam sa singer, inuna muna niyang magpasalamat sa mga nagsilbing instrumento para nagkaroon ng katuparan ang kanyang mga pangarap sa buhay, isa na rito ang maging recording artist.

“Gusto ko muna pong magpasalamat sa Star Music for giving me the chance to be a part of their family. Salamat din po kay Sir Roxy Liquigan, Sir Jonathan Manalo, Atty. Marivic Benedicto, Ms. Mela Ballano at sa lahat po ng bumubuo ng Star Music,” panimula ni Ryan.

Saad pa niya, “Napakasarap po sa pakiramdam na sa wakas matapos ang halos isang taon at tatlong buwan ay nag-pay off na din ang album na pinaghirapan namin ni kuya Joel Mendoza.”

Patuloy pa ni Ryan, “Bihira lang po ang mabigyan ng ganitong blessing at pagkakataon na makapasok sa industriya.

“Gagamitin ko po ang chance na ibinigay sa akin para maka-inspire pa ng mas maraming nangangarap kagaya ko and also to share my talent. Marami po kaming pinagdaanan para mabuo po ang project na ito, ilang beses din po kaming na-reject, paulit-ulit po kaming nag-record, kaya napakasarap po sa feeling na heto na at malapit na pong lumabas ang album ko.”

Si Ryan ang itinanghal na Euro Pop champion na ginanap sa Berlin, Germany last November 2015. Actually, siya ang first and only Pinoy na nakakopo ng grand prize sa naturang singing competition.

Ngayong Biyernes, April 13 ang launching ng single ni Ryan titled “Haay Pag-Ibig” na magsisilbing carrier single rin ng kanyang debut album.

Base sa FB post ni Joel Mendoza:

Mga kapamilya, tutok na po tayo sa MOR 101.9 FM, Bukas ng alas singko ng hapon. Pakinggan po natin sa unang pagkakataon ang ” HAAY PAG-IBIG “, ang carrier single ni Ryan Tamondong. Isinulat ko po ang#HAAYPAGIBIG para sa lahat ng mga nagmamahalan, nagmahal, malapit ng magmahal , at lalo na sa mga mapagmahal. Sabay sabay po nating awitin ang “HAAY PAG-IBIG”. To God be the Glory ! — feeling awesome at MOR 101.9 For Life.

Paano niya ide-describe ang kantang ito?

Sagot ni Ryan, “’Haay Pag-ibig’ is going to be my first single that’s gonna be released by Star Music. The song is composed by my manager and vocal supervisor Mr. Joel Mendoza.

“Ang ‘Haay Pag-ibig’ ay nakapasok din sa top 14 ng Himig Handog 2017, making my kuya Joel Mendoza a finalist for Himig Handog for the third straight time, kung hindi lang 10 songs ang kinuha for that year.

“Ide-describe ko ang ‘Haay Pag ibig,’ I can say that this brings a new sound to our music industry, mayroon din itong sariling style. Masayang-masaya rin ako sa kantang ito dahil this will bring chill at pa-cute vibes at sure rin ako na magugustuhan ito ng mga tao, lalong-lalo na ng mga tulad kong millenials.

“Alam ko na marami ang makaka-relate sa kantang ito at masasabi nilang parang sila ang nasa story ng kanta,” nakangiting saad pa ni Ryan.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..