Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By KRISSY DIMAYUGA

Goodbye GMA na si Ryza Cenon dahil kahapon, pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN.

Sa report ng ABS-CBN News, sinabi ni Cenon na nais niyang mag-explore, makatrabaho ang magagaling at gusto niyang matuto sa mga ito.

Nais din niyang makatrabaho ang mga kaibigang sina Angelica Panganiban at Angel Locsin.

Kahapon, isang post din sa Instagram account ni Deo Endrinal ng Dreamscape Entertainment ang gumulat sa publiko. Ang picture na magkakasama sina Maricel Soriano, Janice de Belen, Angel, Ryza at Eula Valdez. Magsasama-sama pala ang lima sa “The General’s Daughter” na kasama rin si Tirso Cruz III.

Bukod dito, makakasama rin siya sa hit primetime series na “Ang Probinsyano”, at series of out-of-town at TFC (The Filipino Channel) shows.

Ayon sa isang taong close kay Ryza, wala nang offer sa aktres ang GMA after ng “Ika-6 Na Utos” kaya hinanapan ito ng Viva management ng work.

Timing na may bagay na role kay Ryza sa ABS-CBN kaya agad itong pumirma sa Kapamilya Network.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..