Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By ROLDAN CASTRO

Tunghayan ang mga kwento ng pagbangon at pag-ibig sa pag-ere ng dalawa sa pinakaminahal na mga teleserye ng ABS-CBN—ang “Bridges of Love” at “Pusong Ligaw” sa Jeepney TV simula ngayong Abril.

Sundan ang pagkakaibigan, panloloko, at paghihiganti sa “Pusong Ligaw” kasama sina Beauty Gonzales at Bianca King bilang matalik na magkaibigan na sina Tessa at Marga.

Ipapalabas gabi-gabi sa Jeepney TV ang matagumpay na teleserye na unang ipinalabas sa hapon sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Bahagi rin ng cast nito sina Joem Bascon, Raymond Bagatsing, Diego Loyzaga, Enzo Pineda, at Sofia Andres.

Dahil sa selos, aagawin ni Marga ang kasintahan ni Tessa at mapipilitan si Tessa na lumayo patungong Maynila para magsimula ng bagong buhay kasama ang kanyang baby (Rafael), na sa kamalasan ay mananakaw. Paglipas ng panahon, maghaharap muli ang dating magkaibigan at ilang mga sikreto ang mabubunyag sa kanilang nakaraan.

Samantala, sina Jericho Rosales, Maja Salvador, at Paulo Avelino naman ang mangunguna sa mga matitinding eksena sa “Bridges of Love,” ang ‘PMPC Star Awards for TV Best Primetime Drama Series’ sa taong 2015. Ito rin ang programa kung saan nakamit ni Maja ang pagkilala bilang ‘Star Awards for TV Best Drama Actress.’

Magkakahiwalay ang magkapatid na sina Gael (Jericho) at Carlos (Paulo) dahil sa isang hindi inaasahang trahedya. Sa paglipas ng mga taon, muli silang magtatagpo at magkakabanggaan dahil sa pag-ibig sa iisang babae, si Mia (Maja), ang greatest love ni Gael, at siyang nakapagpatibok muli ng puso ni Carlo.

Abangan ang mga rebelasyon sa “Bridges of Love,” Lunes hanggang Biyernes, 7pm, at sa “Pusong Ligaw,” 9pm simula sa Abril 23 (Lunes). Mapapanood ang Jeepney TV sa SKYcable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..