Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By KRISSY DIMAYUGA

Kabi-kabila ang trabaho ni Piolo Pascual. Bukod sa kanyang “Home Sweetie Home,” mapapanood na rin siya sa bagong handog ng ABS-CBN, ang “Since I Found You” kasama sina Arci Munoz, JC De Vera, Empoy, at Alessandra de Rossi.

Abala rin siya sapagiging producer sa Spring Films, ASAP, at iba pang out of town at country shows.

Kaya naman natanong ang actor kung kumusta na ang kanyang lovelife o kung may oras pa ba siyang harapin ito?

“At saka na lang,” ang natatawang sagot ng actor sa mediacon ng SIFY. “Hindi sa walang time, choice ko, pasensiya naman. Ayoko talaga,”giit pa niya.

Paliwanag ng magaling na actor, “Ang dami ko kasing gustong gawin sa buhay eh. In all honesty, hindi ko siya hinahanap, ayoko siyang hanapin. Ayaw ko na lang muna para mas tutok ako sa… ang dami ko kasing ganap sa buhay, so feeling ko, kung isasama ko pa ‘yun, I don’t want it to be a task, I don’t want it to be a chore. Ide-devote ko muna ‘yung oras ko where I see it fit.”

Giit pa ng actor, ang paggawa ng teleserye, pelikula, pagpo-prodyus muna ang haharapin niya. “Ito na muna para mas tutok lang ako, so pasensiya na lang.”

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..