Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By JOSHUE MARINAS

Humanda ang moviegoers sa kapana-panabik na barkada movie of the season – ang “Da One That Ghost Away, “ na pinakabagong offer ng Star Cinema.

Sa ilalim ng direksiyon ni Tony Y. Reyes at sa panulat nina Danno Mariquit, Daisy Cayanan at Dip Mariposque, and DOTGA ay ang ultimate adventure-horror-comedy ngayong summer na tiyak na kagigiliwan ng buong pamilya.

Umiikot ang istorya ng nasabing pelikula sa paranormal expert wannabe na si Carmel (Kim Chui) na makikipagsanib puwersa sa kanyang bestfriend na si Jeje (Ryan Bang) sa pagbuo ng isang squad ng mga ghostbusters.

Kasama ang kanilang mga kaibigan, ililigtas nila sa pagkaka-sequester ang bahay ng lola ni Carmel. Makilala ni Carmel ang isang mayamang arkitekto na kukunin siya at ang knayang squad para i-exorcize ang bahay mula sa mga totoong masasamang espiritu.

Bilang isang adventure-horror-comedy film, ang DOTGA ay isang bagong film genre para kay Kim Chui na isa sa mga talentadong aktres sa ngayon.

Abangan sa mga sinehan ang DOTGA sa isang linggo, April 18, 2018.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..