Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By KRISSY DIMAYUGA

Hindi na nag-renew ng kontrata si Derek Ramsay sa TV5. Abril 10 nag-expire ang kontrata niya.

Ayon sa manager ni Derek na si Jojie Dingcong, hindi na sila nag-renew sa Kapatid Network dahil wala namang ginagawa ang actor. “At saka nag-iba naman na ang path ng TV5, ‘di ba?,” anang manager.

Taong 2012 nang lumipat si Derek sa TV5 mula ABS-CBN.

Natanong ang manager ni Derek kung babalik ito sa Kapamilya Network at sinagot naman niya ito ng, “Wala kaming offer sa ABS-CBN pero sa Star Cinema mayroon.”

Ang tinutukoy na offer ay ang pelikulang pinagsamahan nina Derek at Bea Alonzo, ang “Kasal” na idinirehe ni Ruel Bayani.

Anang manager, tatlo pang pelikula ang gagawin ng kanyang alaga sa Star Cinema, gayundin sa Quantum, Regal Films, at Viva films.

Sa kabuuan, 10 pelikula ang gagawin ni Derek.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..