Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By JOSHUE MARINAS

Masayang-masaya ang nag-iisang superstar na si Nora Aunor dahil makakasama niya bilang direktor ang matagal nang kaibigan na si Gina Alajar.

Magsasama sila sa isang teleserye under GMA Network kung saan kasama rin si Gardo Versoza.

Tuwang-tuwa raw si Ate Guy nang malamang ang batikang aktres na si Gina ang magdidirek ng seryeng “Extraordinary Love” kaya’t agad niyang tinanggap ang proyektong ito.

Matagal na raw niyang pangarap na makasama uli si Gina. Matagal na raw nang magkasama sila sa pelikula at pareho pa silang aktres noon.

Sabi naman ni Gina Alajar, excited siya na maidirek ang Superstar dahil alam niyang magiging maganda ang kahihinatnan nilang proyektor. Bukod dito ay talagang ipinagdasal daw niya na magkasama sila.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..