Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By NONIE V. NICASIO

Tatampukan ni Angel Locsin ang bagong teleserye ng ABS CBN na mula sa Dreamscape Entertainment. Ito’y isang action-drama series na pinamagatang “The General’s Daughter” at bigatin ang cast ng naturang teleserye. Kabilang dito sina Eula Valdez, Janice de Belen, Ryza Cenon, at Ms. Maricel Soriano.

May balitang si Tirso Cruz III ang gaganap na general dito na ama ni Angel. Ayon din sa mga lumalabas na espekulasyon, si Ryza ang magiging kontrabida rito ni Angel. Ang naturang serye raw ang isa sa rason kaya lumipat si Ryza sa ABS CBN mula sa pagiging Kapuso actress for 14 years.

May mga sitsit din na lumalabas na ang “The General’s Daughter” ang papalit sa serye ni Coco Martin na “FPJ’s Ang Probinsyano” na tatlong taon nang namamayagpag sa ere.

Noong April 12 ay nagkaroon ng story conference sa naturang serye at lumabas ang photos na magkakasama nina Angel, Eula, Janice, Ryza, Maricel at ang Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal.

Ito ang full-length comeback sa prime-time TV ni Angel pagkalipas ng apat na taon. Ang huling teleserye niya sa Dos ay noong 2014 via “The Legal Wife” na tinampukan nila nina Jericho Rosales at Maja Salvador.

Binabansagan na rin ngayon si Angel bilang Queen of Action-Drama Series dahil sa mga ginawa niyang TV series na “Mulawin,” “Darna,” “Majika,” “Lobo,” “Imortal,” at ang pinakahuli ay sa “La Luna Sangre.”

Positibo naman ang reaction ng fans ni Angel sa bago niyang teleserye sa Dos at ngayon pa lang ay marami na sa kanila ang sobrang excited.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..