Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By JOSHUE MARINAS

Guwapo ang aktor na itich. Pang-matinee idol ang dating. Maganda ang hubog ng katawan at talagang malinis sa katawan. Kapatid siya ng isang sikat at guwapo ring aktor pero may anak na.

Si aktres naman ay seksi, maganda at mayaman. Mahilig itong gumimik sa gabi at makipag-inuman. Kumbaga ay feel na feel ang night lifedahil nga galing sa maykayang pamilya.

Pero ngayon ay tahimik na siya dahil itinali na ng sikat na aktor na kasintahan.

May kuwento ang isang matandang direktor tungkol sa aktor at aktres na nangyari nang minsang mag-shooting ang mga ito ng isang pelikula noong isang taon.

Ang eksena ay kinunan sa tabing-dagat. May kissing scene ang dalawa at umiikot ang kamera sa pali-paligid kung saan kita ang magandang scenery. Ang siste ay matagal na halikan ang mangyayari at talagang lips-to-lips.

Maayos namang nakunan ang naturang eksena. Pero pagkatapos ay may nakakalokang rebelasyon ang poging aktor.

“Direk, may bad breath po yung kapartner ko,” walang kagatul-gatol na sinabi ng aktor sa assistand director ng kinukunang pelikula.

Natigalgal ang mga nakarinig sa set. Hindi raw sila makapaniwalang mabaho ang hininga nu’ng aktres.

Eh kasi nga naman, galing sa mayamang pamilya, maganda’t seksi at mukhang malinis naman sa katawan ang aktres, tapos mabantot ang bibig.

Medyo nalaman daw yata ng aktres ang tsika ng kapartner na aktor kaya’t nag-sorry ito at sinabing hindi raw kasi siya nakapag-toothbrush nang maayos at medyo nakainom pa.

Kaloka! Naisip daw ng assistant director na baka nga naman ganun lang ang nangyari.

Kasi nga, kilala ang aktres na mahilig gumimik sa gabi kaya’t medyo napabayaan nito ang oral hygiene.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..