Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By ROLDAN CASTRO

Simula na ang paghahanap ng star na para sa iyo sa “Star Hunt: The Kapamilya Grand Auditions” ngayong darating na Biyernes (Apr 20) at Sabado (Apr 21) sa Araneta Coliseum.

Ito ay bukas para sa mga Kapamilya na may boses na palaban at pangmalakasan, todo kung humataw at sumayaw, may talent na kakaiba at world class, may one of a kind personality at nakaka-inspire na story.

Mag-audition na para sa pagkakataon na maging bahagi ng Kapamilya shows na maaring magpakinang sa star mo tulad ng “The Voice of the Philippines,” “I Can See Your Voice,” “Tawag ng Tanghalan,” “Dance Kids,” “Pilipinas Got Talent,” “Little Big Shots,” “MMK,” “Pinoy Big Brother” at upcoming dance competition na “World of Dance Philippines.”

Pumunta lang sa mismong araw ng auditon at hintaying bumukas ang gate sa ganap na 7 AM o di kaya ay mag-register na online via starhunt.abs-cbn.com para makapili ng oras ng pagpila.

Magaganap ang auditions para sa mga sasali na may edad 3 hanggang 17 sa Biyernes at edad 18 pataas naman sa Sabado. Ang mga mag-audition naman gamit ang kanilang unique talent o kaya talento sa pagkanta at pagsayaw ay maaring bumida bilang isang solo act o bilang isang grupo.

Huwag palalampasin ang pagkakataong ito at hanapin na ang inyong star sa “Star Hunt: The Kapamilya Grand Auditions” ngayong darating na Biyernes (Apr 20) at Sabado (Apr 21) sa Araneta Coliseum.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..