Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Balik-Kapuso Network si Sunshine Cruz kung saan mapapanood siya very soon sa “Karibal Ko Ang Aking Ina.” Matatandaang huling napanood sa GMA-7 si Sunshine via the longest running gag show sa bansa na “Bubble Gang.”

Nagpapasalamat naman si Sunshine sa pagkakatong ibinigay sa kanya ng Siyete.

Base ito sa kanyang Facebook post:

Work is work and we should always be grateful for the opportunity and trust being given to us. Thank you for the warm welcome GMA. #karibalkoangakinina Arnold Vegafria ALV Talent Circuit Inc.

Nauna rito, nag-post si Sunshine sa kanyang IG account ng kanyang guesting sa “Celebrity Bluff,” isa sa show ng GMA-7. Ngayong araw naman, April 12 ay nag-post si Shine sa kanyang IG account ulit ng photos niya kasama ang casts ng “Karibal Ko Ang Aking Ina.”

Makakasama ni Sunshine sa naturang TV show sina Bea Binene, Zoren Legaspi, Bing Loyzaga, Benjamin Alves, David Licauco, at iba pa.

Sa panayam sa aktres ng GMANetwork.com, sinabi ni Sunshine na masaya siya at itinuturing niyang isang blessing ang maging bahagi siya ng “Karibal Ko Ang Aking Ina.”

“Hindi nalalaman ng iba na nag-start ako from GMA. That’s Entertainment, GMA Super Show and before I got married, mayroon pa akong ginawang series dito, ‘yung L. So noong nagbalik ako 2013, this is my first bale. And I am very happy and blessed na makasama ako rito sa isang napaka-exiciting at napaka-intriguing na teleserye,” anang aktres.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..