Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By RK VILLACORTA

The last show na napanood namin kay Ria Atayde ay ang isang episode ng “Ipaglaban Mo” last month.

Lumabas din pala ang dalaga sa Lenten presentation ng “It’s Showtime” noong Holy Monday sa episode na “Home.”

Pero habang hinihintay pa ang regular serye ng dalaga, sa darating na Saturday, April 14 ay mapapanood na naman natin si Ria sa “MMK (Maalaala Mo Kaya)” sa kanyang markadong role bilang si Celeste Legaspi na anak ng National Artist na si Cesar Legaspi played by no less than Ian Veneracio at si Angel Aquino naman as his wife.

Habang wala pa at naka-waiting ang regular teleserye ng dalaga sa mga drama anthologies muna ng Kapamilya Network natin si Ria mapapanood.

Sa “MMK” sa Sabado na nasa direksyon ni Jeffrey Jeturian, sort of reunion ni Ria with Direk Jeff ang naturang episode dahil nagkasama na sila sa morning pampa-good vibes serye na “Ningning” where she played sa role as a teacher.. She ws Teacher Hope ni Ningning.

Kuwento nga ng dalaga about her experience working with Ian and Angel, “It’s been fun working with them. They’re nice to work with. Easy to work with.

“With Direk Jeff, he was my first ever director. So super nice kasi parang reunion ko with him,” chat message ng dalaga sa amin.

Para kay Ria, lahat ng roles sa “MMK” ay mako-consider niya na dream role.

“Kasi Tito, it’s always challenging naman so far. Pero siguro if there will be something different with disability,”paliwanag ni Ria.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..