Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By KRISSY DIMAYUGA

Hindi napigil ni Joshua Garcia ang maiyak nang mag-explain kagabi sa guesting niya sa “Tonight With Boy Abunda” nang matanong kung totoong nagkatampuhan sila ng girlfriend at screen partner na si Julia Barretto.

Inamin ni Garcia na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan dahil sa pagbibigay-mensahe niya sa isang nagngangalang Dane.

Tanging “Art shot,” ang sinabi ni Garcia sa swimsuit photo na ipinost ni Dane sa Instagram.

Mangiyak-ngiyak na sinabi ni Garcia na, “Gusto ko lang po ma-i-clear sa lahat, at ma-admit ‘yung nangyari,” patungkol sa mensahe niya kay Dane.

Giit ni Garcia, “Wala lang po siya. Wala siya sa buhay ko,” nang tanungin ni Boy Abunda ang ukol kay Dane. “Hindi siya naging parte, o kahit ano. Nag-comment ako sa kanya, nag-compliment lang naman ako sa picture, eh. Wala namang nangyaring conversation,” paliwanag pa ng actor.

Pagpapatuloy ni Garcia, “Siguro kasi, nakahanap ‘yung mga basher ko ng . . . Hindi kasi madali ‘yung nangyaring iyon, eh. Ang daming nag-judge.”

At dahi nga rito, nagkaroon sila ng away ni Julia na pagkaraan naman ay naayos din. “Hindi lang naging madali pero kaya naman. Sobrang okay naman ngayon,” anang actor.

Ang tinutukoy ni Garcia ay ‘yung pagpapalitan nila ng tweets noong Marso 31 na nabalita ring nagka-break sila.

At sa nangyaring ito, sinabi ng actor na humingi siya ng sorry sa dalaga ni Marjorie Barretto. “I apologize for what happened,’ and sinabi ko na, ‘Challenge lang ‘to na kailangan natin malampasan.’”

Aminado si Garcia na na-guilty siya sa pangyayaring iyon. At isa lang ang natutuhan niya rito, ang hindi dapat gumawa ng anumang bagay na ikasasakit ng mahal sa buhay.

Pinagsisihan din niya ang ginawa niya at “Siguro may gustong iparating si Lord, may gusto siya na matutunan ko, and narinig ko siya,”sambit pa ng batang actor.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..