Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By NONIE V. NICASIO

After na maging tagumpay ng pelikulang “Die Beautiful” na tinampukan nina Paolo Ballesteros at Christian Bables, sunud-sunod ang naging pelikula at acting awards ni Christian. Kabilang dito ang mga supporting role na natoka sa kanya, pero mayroon din na siya na ang lead actor or bida mismo.

Kabilang sa mga pelikulang tatampukan niya ang “Recipe For Love” under Regal Films with Cora Waddell, directed by Jose Javier Reyes at “Signal Rock” ni Direk Chito Roño.

Nang nakahuntahan namin si Christian, inusisa namin siya kung kailan mapapanood ang mga ito?

Sagot niya sa amin, “May mga naging changes po, eh. Nag-uusap usap pa po sila Tito Boy (Abunda) and the producers kung alin ang uunahin po.”

Si Kuya Boy Abunda na ba ang manager mo?

“Yes po, si Tito Boy Abunda na po ang manager ko,” nakangiting saad niya sa amin.

Kailan ka pa na-manage ni Kuya Boy and ano ang masasabi mo sa kanya bilang talent manager?

Sagot ni Christian. “We’re having a talk na po since January. Si Tito Boy, is like an angel to me. He never fail to put my heart at ease. Eversince, medyo may background na kami ni Tito Boy sa isa’t isa. Kasi, nag-talk siya sa school ko before sa DLSU-D, then iyong mga nasabi niya ang naging isa sa mga pundasyon ng acting ko.

“Sobrang tumatak sa akin yun, kaya ngayon I feel so blessed and amazed na siya ang naging manager ko. Lahat ng pag-aalaga, ang confidence na ibinibigay niya sa akin at ang pagmamahal na binibigay niya, hindi matutumbasan. Siya iyong may abilidad na makita kung ano ang nilalaman ng isang tao.”

Pahabol pa niya, “Hindi ko po malilimutan yung sinabi niya, kasi there was this one time na nagtanong ako, ‘Tito Boy, bakit po ako?’ Sabi niya lang sa akin, ‘Hindi ako mag-aaksaya ng oras makipag-usap sa iyo kung wala akong malaking nakikita sa iyo. Very talented ka, mabuti ang kalooban mo, and bonus na lang ang good looks.’

“Ayun po ang sabi niya, that boosted my confidence Tito Nonie and made me wanted to continue. Kasi for quite sometime, gusto ko nang mag-quit, kasi feeling ko ang gulo-gulo. Feeling ko hindi ko kaya ang pagiging magulo ng showbiz.

Isa si Tito Boy sa nagpatunay na hindi pala. Everytime na kausap ko siya, napapayapa ang loob ko.”

Ano ang expectations mo sa pangangalaga niya?

“Expectations?” Ulit niya sa aming tanong. “Iyong maging pamilya lang kami, iyon lang. The rest will follow. Work is given. Dadating iyan kung para sa iyo.

“Ang gusto ko, makahanap ng totoong kaibigan at pamilya. Kasi ang hirap po makahanap niyon,” wika pa ni Christian.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..