Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By KRISSY DIMAYUGA

Umamin na si Stella (Julia Montes) na siya si Anna at ipinaalam niya sa lahat ng dumalo sa charity program nina Senator Salvador (Nonie Buencamino) at asawang si Hilary (Agot Isidro) na pinapatay siya ng senador kasama si Miranda (Lorna T.).

Dahil sa tagpong ito, inakala ng viewers na magtatapos na rin ang “Asintado” ni Julia Montes ngayong buwan. Pero hindi pala dahil ang seryeng “Hanggang Saan” ni Sylvia Sanchez ang magtatapos na at tatlong linggo na lamang itong mapapanood.

Ayon sa ABS-CBN, magtatagal pa ang “Asintado” at aabutin pa ng December. Nagsagawa rin ang “Asintado” cast ng promo sa Switzerland sa Hunyo.

Malakas pala rin sa ibang bansa ang “Asintado” base sa feedback na natatanggap ng taga-production.

At ayon sa pinakahuling tala ng Kantar Media na may date na Abril 5, pang-walo sa pinakapinanonood na programa ang panghapong serye.

Ito ay pang-anim naman sa mga programa mula ABS-CBN mula sa total ng urban at rural rating na 16.9 percent. Natalo nito ang katapat na programang The Stepdaughters na mayroon lamang 9.6 percent ratings.

Ang “Asintado” ay pinagbibidahan din nina Aljur Abrenica, Paolo Avelino, Shaina Magdayao, Empress Schuck, Aaron Villaflor, Louise de los Reyes, at Julio Diaz.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..