Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By KRISSY DIMAYUGA

Pinatay na ang karakter na ginagampanan ni Sofia Andres sa “Bagani,” si Mayari. Sa nangyaring ito, agad na ikinabit ang dahilan ng pagkatsugi ng aktres: ang pagiging pasaway o unprofessional.

Matatandaang, ito ang ibinabato kay Sofia ng mga basher na pinasinungalingan naman ni Liza Soberano at ng director ng “Bagani.”

Anila, masarap katrabaho si Sofia, professional, at tahimik lamang sa isang tabi.

Iginiit din ng taga-produksiyon na nasa orihinal na script na papatayin si Mayari at hindi totoo ang mga tsika na ibinabato sa aktres.

Sa ipinakitang tagpo noong Miyerkules, tinamaan ng kidlat si Mayari nang pakawalan ni Lakam (Matteo Guidicelli) si Sarimaw (Ryan Eigenmann) kaya namatay na ang dalaga kahapon.

Marami ang nalungkot sa pagkamatay ni Sofia at nais siyang pabalikin ng ilang mga tagasubaybay niya sa IG. May ilan namang umaasang, may twist sa pagkamatay ni Mayari.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..