Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By JOSHUE MARINAS

Never nang ididirek ng magaling na direktor ang isang sikat na loveteam at ayaw niyang gumawa ng pelikula na kasama ang mga ito.

Naloka raw kasi ang direktor sa kaartehan ng mag-jowa kapag nasa shooting sila. Kailangan pa raw idetalye ng direktor kung anong dapat gawin sa eksena kahit nasa script na.

Lagi raw kasing lasing `yung boy samantalang madalas naman mag-umarte `yung girl. Ending, hindi nagiging maayos ang takbo ng shooting.

Lalong naaburido ang direktor sa madalas na hindi pagsipot ng dalawa sa shooting sa hindi malamang dahilan.

Kaya isinusumpa talaga ng nasabing direktor ang magjowang ito. Hinding-hindi na raw mauulit ang pagdidirek niya sa mga ito.

Last na raw talaga yung pelikulang ginawa nila na pinilit lang niyang matapos dahil nga committed na sila.

Pero ‘yun nga lang, todong kunsumisyon ang inabot ni Direk bago matapos ang naturang movie na may kinunan pa sa ibang bansa.

Ang mag-jowa? Walang anuman sa kanila kung hindi man sila idirek na ng nasabing direktor. Dedma lang sila. Sikat na sila kaya’t walang paki kung may magalit mang direktor sa kanila.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..